Fliptop Raptype Battle Lines

Death Bars Present
RAptype Battle tournament Finals -_-

Jeram Zapanta
vs
Leonard Monty 
 Jeram:

"Balatkayong lalake" kunwari magaling, Oras na para "SI-MULAN" tong patayin,
Kahit magbato pa sa dilim, magpatulong pa kay ding, LEO - NARDA ka parin,

Kasi pag RD sa battle si Monty bading, Real name nya LEONA,
Pag tapos na magmena, sinoSOLE nya sa DAD nya yung Sobra!

Kaya di ka sesentro kasi unang pwesto mali na, Di ka parin experto, kahit taga METRO MANILA
Di pa-PASA-FORTE mo dahil ang papel mo sa liga walang "VISA"

Laglag ka sa FILA, at wala kanang RE-BOOK na Makikita
Kahit ireCON-VERSE pa mga linya sa rima, PONY ka paren made in Marikina!

Pero ok lang may karapatan ka magfeeling, na Celebrity at bida,
Dahil maglalaho kana kasabay ng pagsapit ng dilim! Nita Negrita!

Maliwanag pa to sa Definition, Rest in peace meet your "final destination"
Ang malupit na Wordplay, wala nang Close parenthesis at explanation,

Puro paliwanag verse di naman BIBLE, Gaya gaya ka lang tol kay Supersibo mong IDOL
Kahit mag SHIFT ka ng high font di ka parin "LARGE ICON" walang malakeng LEON pag nilunok na ng PYTHON

Dahil lahat 'LILIIT' pag sakin tinapat, tawagin mo kong 'MICROSCOPE'
Kaya wag na magmatigas, madali ka lang ishutdown 'MICRO-SOFT'
Kahit iquote mo pa yung note, Virgo ako kaya di tatama sakin tong LEO na "HOROSCOPE"

Mga linya mo parang Air-Lines, puro Hangin at Air-Crap,
Buti pa yung Desk-Top, may set back, ikaw ni hindi maka RESBAK..!

Puputok ang pagkitil, dahil skill ko sa killing ay istilong malupet,
Isa ka lang fetus na binusog ko sa isang kilong sitotech!

Nilason at pinalo hanggang mangisay, sabay lited pinated..!
"Nilamon at tinalo" hanggang mamatay! "bEATen" to death!

Kaya masaket, Nakakapaso bawat linya ko'y, parang kable na umaapoy,
Wala kanang umaga boy, parang sa asupre ka Lumalangoy..!
Leonard:
•Laban nati'y headline sa DYARYO! At ito'y MARKADO sa KALENDARYO! Once in a blue moon lang ang match up na mapasama sa historya dahil tayo'y mga LEGENDARYO! Pero wag ka masyado ma ENGGANYO! Dahil ako ngayon ang mang GAGANCHO! Kasi palalamunin kita ng mga bara ko hanggang sa ika'y MAIMPACHO!

•Kaya tawagin mo kong LANGHIYA! Ngayon mo mararanasan MAPAHIYA! Dahil titiklop ka sakin parang dahong MAKAHIYA!

•Isang SUNDALO na tatalian ko BIBIG! Di ako BIBILIB kahit sa dagat ka TUMAWID kasi pag ako nagsabi ng ATENSYON tatayo ka ng TUWID!

•Tirador ng HOPYA! Mga bara mo ay SOPLA at ika'y siguradong BOKYA! Kahitano pang sabihin ng iba! Puro ka lang KOPYA! Kaya CHANSA mong makamit ang tagumpay parang awitin ng PAROKYA! Pangarap lang kita!

•PHONY to ni tipsy na nagfeeling na MAFIA! PHONYt PHONYt (PUNIT PUNIT) yang katawan mo daig mo pa ang may MALARIA! Parurusahan ka ng PHONYSHER (PUNISHER) (MARVEL CHARACTER) habang ikaw si Miraz ng NARNIA kaya wala ng heal heal diretso ka sa PHONYRARIA!

•Laglag ka sakin kahit mag suot ng HARNESS! Dangerous ako at malayo sa HARMLESS! NONSENSE ang bitaw mo kaya I will leave you HEARTLESS! DOUBTLESS! RECKLESS akong bumira kaya ngayon ika'y LUCKLESS! Dahil pag binunot ko ESPINA mo yun literal na BACKLESS!

•Pangalan ko palang ay pampanalo na.. Kasi ika'y galing sa MUNTI (Monty) at ika'y hamak na SIGURADONG SPUTNIK! Dahil kahit anong talas gamitin mong SAGRADONG TOOTHPICK di mo ko mapapatay dahil sa anting anting ko tawagin mo kong leoNARDONG PUTIK!

•Brutal kitang mamaltratuhin kahit na mag HANDSDOWN ka pa! Kasi simpleng KALTOK (KATOK) ko lang sa ulo mo KNOCKdown ka na!

•Ako'y PISSED/PEACE OFF sayo kaya simula ngayon buhay mo di na LILIGAYA! DISMISS/DISS MISSED ka sakin dito kasi SABLAY ka parating TUMIRADA!

•Parehong heavyweight kasi kami, pero masasabi ko lang sayo na your life is at RISK SERVING/RESERVING! Kahit maging WAITER ka pa kasi, sa titolong kampeon di ka magiging DISH SERVING/DESERVING!

•Real talk unawain niyo pagkumpara ko na kumbaga kayo'y nasa HEARING! Delivery ko may rhymes, may intervals, may real talk, madiin, malalim at malikhain sa SINING! Delivery mo may rhymes, may intervals, malikhain din pero may pagkamababaw ang MEANING!

•Kaya JERAM di mo na mareretain titolo mo kahit tawagin mo pa sarili mong JERAM NA TUSO! Dahil pagkasaksak ko sa dibdib mo ng madiin ko na bara yun ang JERAM NA PUSO! (HIRAM NA PUSO GMA teledrama reference)

 
 

7 comments:

  1. heto ung laban na d nakakaurat basahin :D magaling sila pareho :D

    ReplyDelete
  2. yeah ur right! kaya mahirap maghusga kung sino mananalo. parehas magaling

    ReplyDelete
  3. dami rin magagaling sa Battle of the Champion.. sana maglaban laban ang bawat kuponan ng makata para makikita kung sino ang magaling sa kanila.

    ReplyDelete
  4. master jeram isa sa pangarap ko maka laban sa raptype kaso bihira na lumaban... classic!

    ReplyDelete